THAT THING CALLED "PANGARAP"
Lahat naman siguro ay may kanya kanyang pangarap. Mga pangarap na gustong makamit sa pag dating ng tamang panahon. Mga Pangarap na magpapa kumpleto ng sarili mo at yung gagawin mo ang lahat makamit mo lang ang mga ito. Sa buhay ko, ang dami ko ring mga pangarap. Isa dyan ay ang makatapos ako ng pag aaral. Makatapos sa kursong DRAFTING, halos apat na taon at sa ngayon ay isang taon na lamang at mukhang makakamit ko na ito. Kapag nakatapos ako papasok ako para maging abogado. DI JOKE lang hahahaha. After kong makapagtapos ng pag-aaral, syempre sunod kong goal ay Makapaghanap ng trabaho at tumulong sa aking pamilya. I think, that will be the first step to return all of their hardships nung nag aaral pa rin ako. Gagawin ko ang kaya ko para maibalik ang mga sakripisyo nilang ginawa para sa akin.
Kapag kasi nakatapos ka halos ang dami mong gustong gawin pero ako? Bago ang lahat gagawin ko muna ang pangarap kong tulungan ang aking mga magulang. Kayo? ganto din kayo dga? yung tipong gusto nyong gawin na mas komportable ang pamumuhay nila. yung sila ay hindi na mag tatrabaho at mag papahinga nalang sa bahay, minsan mag babakasyon kasama kayong lahat. Tapos madidinig mo "Proud kami sa iyo Anak" Sobrang palakpak na aking tenga non hahahaha. Didinner kayo ng sama sama kasi it's PAY DAY.
I know Life after college would be crucial. Kasi real world na ang papasuikin mo, parang andon lahat ng katotohanan sa buhay. Mararanasan mo ang hindi mo pa nararanasan noon. Mukhang ang challenging! :)
Isa pa sa mga pangarap ko ay makapagpundar ng bahay para sa aking pamilya. Syempre gusto ko din naman mag pundar ng sarili kong bahay at sasakyan. para kung mag ka pamilya man ako may matitirahan na kami.
Gusto kong maka ipon bago ang lahat. Financially stable na ako dapat para naman kahit matagal akong di magtrabaho may magagastos pa din kami ng magiging asawa ko. Simple lang naman akong lalaki. Gusto ko lang ay maayos ang lahat lahat. Gusto ko ay may schedule o kumbaga may systema. Di ako naghahangad ng sobrang rangya na buhay Basta't kasama ko ang mahal ko at pamilya ko ayus sakin yun. Pero magsisikap din ako na mapaginhawa ang buhay ko at buhay namin.
May nobya ako ngayon. Sabihin na natin na futuristic ako kasi naiisip kong sya na ang the ONE HAHAHA! sya na ng ka sama ko. alam ko napaka aga pa para sabihin ito pero minsan naiisip ko padin ito. Paano kapag kami na nga? Andyan ang pressure sa akin na dapat mabigyan ko sya ng maayos na buhay kasama ako. Hindi man nya sinasabi alam kong ito ang gusto nya. Syempre sino naman ang gustong hindi mabuhay ng maayos dga? Nakilala ko sya nitong college life Isinasama ko ito kasi isa din sa goal ko ang Pakasalan ko sya. Ang bumuo ng masayang pamilya kasama sya. Napapag usapan na din namin to minsan pero syempre iba pa din kapag andyan na. Gusto nyo syang makita? heto sya oh :)
Ganda nya no :3 :) Inlove ako sa kanya hahaha. Goal ko din ang mag travel. Oo kahit saan talaga. Gusto ko din malibot ang mundo at kasama ang mahal ko :) Di man ako sigurado na kami na nga. Sigurado naman ako na Mahal na Mahal ko sya :)
Gusto ko duon, Gusto ko dyan. Paris, Singapore, Australia Dubai at iba pa. Napakadami nila na gusto kong marating.
SINGAPORE
AUSTRALIA
![]() |
| DUBAI |
![]() |
| PARIS |
Ang gaganda ng lugar na ito. Tourist attraction ng kani kanilang bansa. Napakadaming tao ang bumibisita dito. Isinama ko sa goal ko ito kasi ang marating ang mga lugar na katulad nito ay isang karanasan na hindi makakalimutan. Siguro para akong nasa Cloud 9 kapag nakapunta ako dyan. Hahahahaha.
Ang pagkakaroon ng goal ay magandang bagay. May direksyon kang tatahakin. May mga bagay kang naka set in mind na gawin kasi nga goal mo to. Gusto mo to at gusto mong gawin to. Sabi kay pareng google. Ang isang Goal daw na walang effort para gawin ay isang wish lang. DI mo makakamit kung mag aantay ka lang. Kailangan mong mag effort para makuha mo at maabot mga Goals o pangarap mo. Lahat ng larawan sa blog ko ay kinuha ko lang sa internet kaya kung sino man makakakita na Picture nila yon pero kinuha ko basta wag kayo magalit :) Credits po sa inyo :)
Ang pangarap kung gusto mong matupad.
Wag kang umasa na iki mapalad.
Mag bigay ng effort para dito.
At makakamit mo ang Reward na para sayo.
Dito ay tinatapos ko na ang aking akda.
Sa makakabasa sana naman ay matuwa.
Oo at ang iba ay hndi naman connected sa isat isa.
Ay wala e. Ganyan talaga :)
-BUENO









No comments:
Post a Comment